NOTEBOOK

 by: simplyfascinated

 

 

“Hi! Kamusta ka? ang ganda mo naman ngayon”

Eto ang gustong-gusto kong sabihhin sa’yo lalo na pag nakikita kita kaso nauunahan ako ng kaba.

Sanay na akong titigan ka sa malayuan at ngingiting mag-isa pag nakita kang nakangiti. Pakiramdam ko ako yung nginingitian mo pag nakaharap ka sa direksyon ko pero hanggang pakiramdaman lang naman yun di ba?

“alam mo ba na nabibighani ako sa ganda mo”

Nais ko sanang sabihin yan sa’yo kaso wala akong kasiguraduhan kung matatanggap mo o baka itulad mo lang ako sa ibang lalaki na nagtapat sa’yo ng paghanga nila.

“napakainosente ng iyong mga ngiti na nagdudulot sa akin ng saya”

Una kong nasilayan ang inosente mong ngiti nung napadaan ako sa inyong classroom at napatigil ako sa paglalakad ng makita kita sa harapan na nakangiti. Akala ko nung una anghel ang nakita ko na bumaba sa lupa.

“sayang! Di mo ko napansin kanina kasi naagaw ng mga kasama mo ang atensyon mo!”

Akala ko mapapansin mo na ako dahil sa gagawin ko kaso nakatuon yung atensyon mo sa mga kasama mo kaya kahit masakit pinagpatuloy ko pa rin ang pagkanta.

Hinikayat kasi akong kumanta ng teacher namin nung may program kaya ano pang magagawa ko kundi pagbigyan sila. Nagkataon naman na nandun kayo kaya minabuti ko talagang kumanta.

“kung sa akin mo lang sana tinuon ang atensyon mo, maririnig mo ang gustong ipagsigawan ng puso kong ito”

Nakatingin lang ako sa direksyon niyo  habang kumakanta. Tuwang-tuwa ako nung una kasi nakikinig ka kaso  hanggang simula lang pala ang pakikinig mo.

“ako’y alipin mo kahit hindi  batid

Aaminin ko minsan ako’y manhid

Sana ay iyong naririnig

Sa iyong yakap ako’y nasasabik”

yan ang gusto ko iparating sa’yo kaso mukhang malabo na makikinig ka sa nararamdam ko.

Sino ba naman ako na pagtutuunan mo ng pansin. Hindi naman ako ganun kasikat tulad ng iba para mapansin ng isang katulad mo.

Nakuntento na lang ako na tingnan ka sa malayo at panuorin ang mga kilos mo.

“ayaw mo pala sa mga pagakaing may mayonnaise”

Nagmumukha na akong stalker dahil sa pagsubaybay sa mga kilos mo at inaalam ko lahat ng ayaw mo. Natatawa na lang ako sa mga pinaggaggawa ko.

Hindi ko akalain na ganito kalakas ang naging epekto mo sa akin. Marami naman dyang iba na nagkakagusto sa akin at kung tutuusin pwedeng-pwede ko silang ligawan kaso bukod-tangi ka talaga.

“ano bang mayroon ka na nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko?”

Maitatanong ko kaya sa’yo ito?hehe sigurado naman akong hindi eh.

“nakasalubong kita kanina sa hallway at napatingin ako sa’yo  kaya napatingin ka rin sa akin at ngumiti ka sa akin. Hindi mo lang alam kung ano ang epekto nun sa akin”

Sobrang saya ko kasi ngumiti ka sa AKIN, sa akin mismo at hindi yung iniimagine ko lang.

Napapangiti na lang ako habang naglalakad kapag naiisip ko yung mukha mo na nakangiting nakatingin sa akin.

“sana magkrus ulit ang landas natin ngayon”

Tanging dasal ko habang papasok sa school habang bitbit ko ang gitara ko.

Nakaupo ako ditto sa taas ng puno nung nasilayan kita sa malayuan nakangiting naglalakad kasama ang mga kaklase mo

“ang sakit palang makita ka na may kasamang ibang lalaki. Alam ko naman na di maaalis na may magkagusto sa’yong iba pero ang makita ko na ng actual, ang bigat sa pakiramdam”

Nakita kita na hinarang ng isang lalaki, isa siyang varsity. May inabot siya sa’yong bulaklak at pormang-porma pa. nakaramdam ako ng selos kasi nakangiti ka sa kanya at tinanggap mo ang bigay niya.

“kailan ko kaya magagawa ang mga ginagawa nila para masabi sa’yo itong nararamdaman ko”

Kumanta na lang ako habang tumutugtog ng gitara.

“bakit ba kailangan magbihis kung sayang din naman ang porma

Lagi namang may sisingit sa tuwing ta’yo magkasama

Bakit ba kailangan ng rosas kung marami naman mag-aalay sa ‘yo

Uupo na lang at aawit maghihintay ng pagkakataon

Hahayaan na lang silang magkandarapang manligaw sa’yo

Idadaan na lan kita sa awitin kong ito

Sabay ang tugtog ng gitara…idadaan na lang sa gitara.”

“alam mo bang binalak ko ng sabihin sa’yo ang nararamdaman ko  nung valentines day kaso hindi ako makasingit, ang daming nakapaligid sa’yo.  Sino ba naman ako para lumaban pa sa kanila. Ang dami nilang maipagmamayabang at ako?ang tanging maipagmamayabang ko lang ay ang pagmamahal ko sa’yo”

Iniwan ko na lang kayo at pumunta doon sa isang sulok kung saan pwede kitang tanawin.umupo na lang ako at maghihintay ng pagkakataon.

“kailan ba tayo magkakaroon ng pagkakataon para sa isa’t-isa?”

Gusto kong malaman kung kailan darating ang pagkakataong iyon kaso mukhang hindi mangyayari yun.

“mabait nga ang tadhana kasi lagi tayong pinagtatagpo kaso ang pagkakataon naman ang ayaw makisama”

Lagi tayong nagkakasalubong kaso lagi ka naman may kasama kaya hanggang ngiti lang ang naibiigay natin sa isa’t-isa. Kung kailan naman balak ko ng magtapat  sa’yo may mga eentrada naman para magbigay sa’yo ng kung ano-ano kaya aatras na lang ako.

“gugustuhin mo bang magkaroon tayo ng pagkakataon para makilala ang isa’t-isa?”

Malalaman ko kaya nag sagot mo at matatanggap ko kaya ang magiging sagot mo.

“magagalit ka kaya sa akin pag nalaman mo na kinukuhanan kita ng pictures ng di mo alam?”

Nag-eenjoy kasi akong kunan ka ng pictures kasi napakasimple at inosenteng-inosente ang mga ngiti mo.

“kinakausap kita sa mga pictures mo kaso hanggang pictures na lang ba ang pagka-usap ko sa’yo?”

Gustong-gusto ko talagang kausapin ka sa personal kaso natatakot ako. Siguro nga may pag katorpe na ako dahil hindi ko masabi yung mga gusto kong sabihin.

Kaya nga kung may gusto akong sabihin sa’yo sinusulat ko na lang dito sa NOTEBOOK para kahit papaano mailabas ko naman ang nararamdaman ko.

“buti pa ang notebook alam lahat ng nararamdaman ko pero ikaw hindi =(“

Lumabas ako ng room at nakita kita sa may puno na laging kong tinatambayan. Lalapitan sana kita kaso wag na lang kasi baka di mo ko pansinin.

Kaya diretso na lang ako ng lakad at nabigla ako nung bigla mo akong tawagin

“ahhmmm…mister!”

Yan ang mga salitang lumabas sa bibig mo nun. Alam mo ba na sobrang saya ko kasi sa wakAs napansin mo rin ako pero hindi mo alam ang pangalan ko.

“a-ako ba?”

Di makapaniwalng sabi ko sabay turo pa sa sarili ko

“oo! Halika!”

Agad naman akong pumunta sa’yo nung sinigurado mong ako nga ang tinatawag mo

“upo ka muna dito sa tabi ko samahan mo muna ako”

Palihim akong napangiti sa sinabi mo. Bumait na ba ang pagkakataon at pinayagan na tayong dalawa.

“ui…natulala ka na dyan. May klase ka pa ba? Sige wag na lang kung ganon. Pasensya sa abala”

Di talaga ako makapaniwala na kinakausap mo na ako ngayon. Akala ko hanggang sa malayo lang kita matitingnan pero ngayon eto na’t kaharap na kita at kausap pa ngayon

“ah w-wala na kaming klase”

Sabi ko sa’yo sabay upo sa tabi mo

“buti naman at may kakwentuhan na ako. Ano nga pa lang name mo?”

“huh?jake…bakit ka nga-iisa?”

Tanong ko sa’yo kasi naman nakakapagtaka na hindi mo kasama yung mga kaibigan mo

“ah yun ba? Nakakasawa na kasi silang kasama eh..hehehe nice name naman =)

“thanks!”

Nagkwentuhan lang tayo ng nagkwentuhan at napakasarap sa feeling na nakausap ko yung babaeng gustOng-gusto ko.

Ikaw ang unaNg nagpaalam kasi hinahanap ka na nila. Nakangiti ako habang pinagmamasdan kitang lumalakad palayo pero may halong lungkot kasi baka eto na rin yung huli natin pag-uusap.

“salamat sa chance na binigay mo sa akin para makausap ka!”

Muli kong sinulat sa notebook ko.

Ang saya talaga na makausap ka. pakiramdam ko may kausap akong anghel nung kaharap kita.

Akala ko eto na ang simula natin kaso tutol talaga ang pagkakataon sa ating dalawa.

“pupunta na akong Canada sa susunod na linggo at maiiwan na kita.”

Makakaya ko kayang iwan ka. Kung kailan naman nakikita kong may pag-asa ako na magkapagtapat sa’yo  tsaka naman darating ang bagay na ito na unti-unting papatay sa pag-asang iyon.

“aalis na talaga ako bukas, masakit man pero mukhang kailangan na kitang kalimutan. Kailangan ko ng pahupain ang nararamdaman ko para sa iyo.”

Dapat ko na sigurong tanggapin na hindi talaga tayo magkakaroon ng pagkakataon.

Kahit pa sabihin natin na ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkasalubong ang landas natin lagi kung pagkakataon naman ang pilit na sumisira nito.

“guSto ko sana sabihin sa’yong mahal kita kaso wala akong lakas ng loob para sabihin sa’yo ng harapan.”

“baka mamaya pagtawanan mo ako at sabihin na minsan lang tayo nakapag-usap tapos mahal mo na ako agad..”

Ayoko kong marinig yun mula sa’yo kaya isusulat ko na lang ditto sa notebook

“MAHAL KITA”

Sana pagbigyan naman ako ng pagkakataon para mabasa mo itong mga sulat ko pero naisip ko na para saan pa na mababasa ang mga ito kung nasa malayong lugar na ako.

Eto ang mga huling salita na nakalagay sa notebook ko kasama ang mga larawan na kuha ko at iniwan ko na lang siya dito sa puno kung saan lagi akong tumatambay at tinitingnan ka sa malayo.

Eto rin ang puno kung saan nagkaroon tayo ng pagkakataon para makapag-usap kahit sandali lang.

Tuluyan na akong naglakad palayo at inayos ko na rin ang mga papers na kailangan ko sa pag-alis ko.

Wala na akong pakialam kung sino ang makakuha ng NOTEBOOK na iyon na naging saksi sa pagmamahal ko sa’yo.

Dumating na ang araw ng pag-alis ko. Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon.

Malungkot dahil hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon para sabihin sa’yo ang nararamdaman ko at Masaya naman ako dahil kahit papaano nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap ka at masilayan ng malapitan ang maganda mong mukha.

Isang oras na lang ang hihintayin ko para tuluyan ng makaalis ng biglang may tumwag sa akin.

“jake!” napalingon ako at sobra akong nagulat

“a-anong ginagawa mo ditto?”

“bakit hindi mo sinabi sa akin?”

“ang alin?”

“ang tungkol sa nararamdaman mo” paano niya nalaman?

“para saan pa?aalis naman na ako at hindi naman tayo binibigayn ng pagkakataon diba?”

“pagkakataon ba?pwedeng-pwede ko naman ibigay sa’yo yung pagkakataon na yun ah.”

“huh?”

“alam mo ba na matagal na kitang gusto nahihiya lang ako na lapitan ka kasi baka hindi mo ko pansinin kaya nga lagi akong gumagawa ng paraan para magkasalubong tayo” naiiyak niyang sabi

“anong ibig mong sabihin?” naguguluhan pa rin ako

“tapos yung sa may puno nagbabakasakali lang naman ako na nandun ka kaya pumunta ako dun pero wala ka kaya nalungkot ako pero nakita kitang lumabas sa room niyo at naglakad. Naglakas loob akong tawagin ka nung malapit ka na sa akin.”

“pero paano mo naman ako magugustuhan eh ang dami ngang nakapaligid sa’yo”

“simula nung nakita kita sa may puno na nagsusulat. Para saan pa yung mga lalaking nakapaligid sa akin kung yung taong hinahanap ng puso ko ay wala naman sa tabi ko” umiiyak na talaga siya kaya minabuti ko ng lapitan

“ano ka ba?bakit ka ba umiiyak dyan?hindi bagay sa’yo ang umiyak mas bagay sa’yo ang laging nakangiti

“tulad ng mga kuha mo?”

“paano mo nalaman ang tungkol dun?”

“nakita ko sa notebook na nakita ko sa tambayan mo. Akala ko pangkaraniwan lang yun, yun pala nandun lahat ng nararamdaman mo para sa akin at yung mga pictures ko”

“hehe pasensya ka na ah kung palihim kitang kinukunan ng litrato. At wag mo ng intindihin yung mga nakasulat dun”

“okay lang naman sa akin kung kuhanan mo ako ng litrato eh at bakit naman hindi ko iintindihin yung mga nasulat dun kung ang taong mahal ko ang nagsulat dun”

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Taong mahal daw niya ang nagsulat dun, ibig sabihin mahal niya ako?

“ma-mahal mo ako?”

“kanina ko pa kaya sinasabi pero di mo pinapansin. Tapos binabalewala mo lahat ng effort ko”

Di talaga ako makapaniwala kaya niyakap ko siya sa sobrang tuwa at yumakap din siya sa akin

“mahal kita jake!” bulong niya sa akin

“mahal din kita”

Nasa ganung posisyon lang kami nung bigla nag nag-anounce ng flight at kasama na ang eroplanong sasakyan ko dun.

Ako ang unang kumalas at tiningnan siya na noon ay huminto na sa pag-iyak.

“paano ba yan!mukhang tutol talaga ang pagkakataon sa atin. Kailangan ko ng umalis.” Malungkot kong sabi

“kahit kailan hindi magiging tutol ang pagkakataon sa atin kung ang tadhana na ang mismong gumawa ng paraan para magkalapit tayo.” Napangiti naman ako sa sinabi niya

“ganun? Pero hindi pa nga tayo magsisimula kailangan na kitang iwan.”

“babalikan mo naman ako di ba?o di kaya susunod ako sa’yo =)”

“susunod ka sa akin? Sigurado ka ba?”

“oo naman! Lagi na lang nauudlot yung pagkakataon natin at kung hindi ko pa nabasa itong notebook mo baka hindi pa tayo magkakaroon ng pagkakataon kaya di ko na sasayangin”

“ako rin!sobrang saya ko talaga na pareho lang tayo ng nararamdaman. Akala ko makukuntento na lang ako sa pagsulat-sulat ng nararamdam ko” sabi ko sa kanya saaby yakap ulit

“ikaw kasi!ang bilis mong sumuko. Para lang may sisingit hindi ka na tutuloy pwede naman kasing makipagsiksikan ka rin di ba at pag ikaw na yun nasa harapan ko hindi na kita  papahirapan”

“oo na…sige na kailangan ko ng umalis!salamat ulit!mahal kita!” sabay kalas ng yakap at halik sa noo niya

“salamat din at mahal din kita!bibisitahin kita dun”

Nginitian ko na lang siya at naglakad na palayo.




Hindi ko aakalain na sa kanya mapupunta yung NOTEBOOK na mismong pinagsusultan ko ng nararamdaman ko para sa kanya.



Hindi ko rin sukat akalain na may nararamdaman din pala siya para sa akin.



Lagi kong sinisisi ang pagkakataon dahil sa mga nangyayari sa amin pero tama siya na ang tadhana na ang mismong gumawa ng paraan para magkalapit kami.




Akala ko aalis akong malungkot dahil sa hindi ako binigyan ng pagkakataon na sabihin sa’yo ang lahat ng nararamdaman ko pero ang tadhana ang naging susi para mapasaiyo ang notebook na iyon.




Isang SIMPLENG NOTEBOOK na nakakaalam ng lahat ng nararamdaman ko para sa’yo. Isang simpleng notebook na pwedeng-pwede kong sabihan ng lahat na hindi magrereklamo at hindi sasagot sa mga katanungan ko.



Simpleng NOTEBOOK na naging karamay ko noong hindi mo pa alam na mahal kita at ang magiging karamay mo ngayon na alam mo na mahal kita!

 

 

 

 

don’t judge the NOTEBOOk by its cover just try to see what is inside before you judge!


11:37 am

01/09/12


 



This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola